September 18, 2024

Bakit nagmumuta ang baby 0-6 months old

Bakit daw ba nagmumuta ang mga baby sabi ng isang mommy sa kanyang fb post. Maaaring lubha siyang nag-aalala dahil usually sa mga bagong mommy, natatakot o nag-aalala sila kapag may mga napapansin silang kakaiba na nangyayari sa kanilang mga baby. Ang mga sanggol at isa nga sa napansin niya ay nagluluha, nagmumuta at parang may puti o madilaw na discharge sa gilid ng mata ng kanyang baby.

Ano ba ang usual na complain ng mga mommy tungkol sa pagmumuta ng kanilang baby?

Merong iba na nagsasabi na napansin nila na merong parang madilaw na malagkit na discharge o muta sa gilid ng mata ng kanilang baby. Isa pa, naaawa sila sa kanilang baby kasi pagkagising sa umaga, hindi naman lagi lang naman silang natutulog ng iregular, kung umaga o gabi. So pagkagising ng baby, mapapansin nila na nahihirapan si baby dumilat dahil dikit-dikit na yung eyelashes, yung kanilang pilik-mata. May isang mommy naman na nagsabi na yung mata daw ng kanyang anak, isang mata ay merong discharge pero yung isa wala naman. Pero meron namang isang mommy na nagsasabi na both eyes po niya ay merong discharge. At meron din na nagsabi na parang continuously na nagluluha ang mata ng kanyang baby.

Kaalaman sa pagmumuta ng bata

Karaniwan at karamihan sa mga pagmumuta ng mga sanggol sa unang linggo pagkapanganak ay hindi dapat ikabahala. Kalma kalma mga mommy, yes hindi na kailangan na gamutin karaniwan dahil ito ay kusang gumagaling. Ngunit, kailangan nating alagaang maayos dahil ang kailangan nating gawin ay ang mga hakbang kung papaano natin maiiwasan ang komplikasyon at kung papaano ito hindi gagrabe at hindi lalala.

Okay, normal discharge. Karaniwan ay nagkakaroon ng pagluluha ang baby at that’s normal. O kaya baka naman naikusot ni baby ang kanyang kamay, baka matulis ang kanyang kuko na irub niya sa kanyang mata o kaya naman na traumatized yung kanyang mata kaya ito nagluha at yung luha na yun nung natuyo ay muta. Kung saan pupwede niyo naman na directly napunasan ang luha.

Next, kailangan niyo din obserbahan baka naman meron lang something na napunta dun sa mata ng bata, like puwing, baka merong alikabok o merong something na napasok sa mata ni baby kaya naman palagi at nagkakaroon siya ng luha at mga pagmumuta o may lumalabas na konting mga discharge.

So syempre, primarily ang kailangan mong gawin ay iexamin ang mata, tingnan kung nasaan yung puwing, ano yung nakapuwing at kailangan itong matanggal. Pero dapat malinis ang kamay, malinis ang cloth na gagamitin, pupwede kayong gumamit ng cotton buds, pupwede kayong gumamit ng clean na cloth, pupwede rin naman na gauze, okay sterile gauze para maiwasan natin na magkaroon ng dumi.

Magkaroon ng contact sa maduming bagay pagpasok habang tinatanggal niyo yung object o kung ano man yung nandoon sa mata niya. O isa pa, baka naman meron siyang tinatawag namin na bacterial conjunctivitis, yun yung short term na sinasabi natin na sore eyes sa medical term, medyo technical, neonatal conjunctivitis kasi nga ito ay sa newborn.

Ano ang neonatal conjunctivitis?

Kapag ito ang dahilan, mapapansin ninyo na medyo madilaw na green, tapos malagkit, ganun yung characteristic. Nagdidikit-dikit yung mga pilik-mata, mas marami ang discharge, karaniwan kapag ito ay neonatal conjunctivitis, both eyes ang nagkakaroon at ang ganitong sitwasyon ay kailangan ipinagbibigay alam agad sa inyong pediatrician kasi ito ay bacterial, kailangan ito ng paggagamot, bacterial ointment, drops, pupwede ilagay agad para magkaroon agad ng agarang treatment at hindi na magkaroon ng complication o further complication at problema sa mata.

Usually ang bacteria infection na to ay karaniwang nangyayari sa first week pagkapanganak at sinasabi na isa sa mga cause nito ay during the time na nag pass through or lumabas ang bata sa birth canal o sa pwerta ng nanay at chances are baka merong infection, vaginal infection ang nanay at yung impeksyon na yon ay naipasa o nakuha ng bata kaya paglabas niya, ay nagkaroon siya ng impeksyon sa mata.

Ito ay common na isa sa piniprevent talaga na mangyari kapag ang bata ay ipinanganak kaya naman isa sa mga routine yung newborn care na ginagawa namin pagkapanganak ng baby, nilalagyan yan ng erythromycin na bacterial ointment na inilalagay namin sa mata para kung meron man ay matreat agad at para din maiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon na ito.

Parang isa pang posibleng dahilan ay ang blocked tear duct o ang blocked nasolacrimal duct. So ano ang nangyayari, sabi nga blocked di ba, so ito ay baradong tear duct, yung duct na daanan ng luha ng baby or luha natin, yun po ay sa kondisyon na ito ay nagbara. May barado po siya kaya hindi po makadaloy ng maayos ang luha kaya nagkakaroon ito ng malapot na discharge o malapot na sekresyon na nandoon at makikita ninyo sa mata ng baby na ito ay muta na posible din na ito ay may kahalong pagluluha, yung halos continuously o mapapansin ninyo na luha ng luha yung mata ng baby ninyo.

Ang kondisyon na ito ay karaniwan kaya hindi naman kailangan ninyong masyadong mag-alala. Usually itong nakikita o nangyayari sa mga batang bagong panganak, karaniwan naman dito ay nangyayari sa isang mata lang pero posible din naman na mangyari sa both eyes. Sa ganitong pagkakataon, ito naman ay normal din na gumagaling, nawawala lang din yan kapag ba maayos ninyong inalagaan, hindi siya magkakaroon ng impeksyon.

So syempre, sasabihin nga natin hindi naman to impeksyon o kaya lang yun nga, may discharge siya at saka nagluluha, pero hindi siya mapula. Pagka kasi ito ay pumula na, isa na itong senyales na hindi maganda. Ang kailangan nating masamarize kung ano yung mga dapat gawin, home remedy kapag ito ay hindi kailangan ng consultation ng doctor o habang po kayo ay nagkakaroon ng iba pang treatment sa inyong anak, ito po yung mga pupwede nating gawin.

Home remedy sa pagmumuta ng bata

So number one, kung kuha kayo ng tela na malinis, pupwede din ang gauze para pamunas ng luha o ng discharge ng lumalabas sa mata.

Number two, ang gagamitin niyong tubig, wag hot, wag yung malamig, maligamgam na tubig, yun yung pang-ahon ng mata. Dun niyo ilubog o dun niyo basain yung cloth o soft, dapat soft o kaya yung gauze at saka yun po yung ipupunas ninyo.

Next, kailangan malinis ang inyong kamay at dahan-dahan ninyong imassage ang area na ito, dito sa may area na yan ng tear duct, pwede niyo itong gawin, more likely anim na beses sa loob ng isang araw. Tips lang din, pagka pinapaliguan niyo yung sanggol, iwasan niyo na magkaroon ng contact yung shampoo o kung yung bula na mapunta sa mata ng bata kasi mas lalo yung makakairita sa mata ng baby nyo.

At syempre, kailangan ninyong ikonsulta sa inyong doktor kung mapansin ninyo na nagkakaroon na ng sabihin natin kung ano yung mga senyales na kailangan na ninyo talagang ipacheck up sa doktor ang inyong mga anak. So kung kayo bilang mga magulang o ang mga tagapag-alaga, carefully tingnan po ninyo ang mata ng inyong mga alaga o ng mga baby. Kung ang baby ninyo, ang mata ay namumula, okay namumula yung sclera, yung puti ng mata na may kasamang discharge, marami raming discharge na parang mga nana sila, tapos sobra yung paglabas ng luha o kaya naman ang mata ng baby niyo ay hindi na halos maidilat na, para na rin siya, posibilidad na baka meron na ring mga redness around the eyes o meron ng mga konting pamamaga.

So yun ang mga limang senyales na dapat ninyong iwatch out sa inyong mga baby na kung saan kailangan niyo na siya talagang ipacheck up sa inyong doktor. At syempre, pinagkatiwalaan niyo na sa doktor ang inyong baby, kaya kung ano man ang ipinayo ng inyong doktor, kung ano man ang instruction niya na dapat ninyong gawin sa inyong baby, pakisunod lamang.

Especially na yung kung papaano maglagay ng ointment sa mata ng bata, ilang beses ba dapat nilalagay sa mata ng bata, papaano, madami ba konti, saan ba ilalagay at syempre magbibigay ng order ang doktor for antibiotic. Ito nga ay infection o pupwedeng ito ay infected na kaya ka binigyan ng antibiotic, bacterial ointment or drops man yan o baka naman piniprevent or parang prophylactic effect, ibig sabihin ay para maiwasan ang pagkakaroon ng infection kaya ka bibigyan ng antibiotic ng inyong doktor.

Yung baby pala, yung baby ang bibigyan ng antibiotic, kaya kung hindi ninyo alam, please magtanong kayo sa doktor kung papaano nilalagay at paano ang tamang paglalagay. Willing naman especially mga pediatricians, napakababait po nila at maalaga sila sa kanilang mga pasyenteng mga baby kaya willing po silang ituro sa inyo kung papaano po ito gagawin ng maayos at tama.

Common na nirereseta ng mga doktor ay ang erythromycin eye ointment or drops.

Iba pang mga babasahin

Mga Bawal gawin pagkatapos Magpabakuna ng Bata

Pabalik balik na Ubo ng Bata : Chronic Cough on kids, Ano ang mga Dahilan

7 Tips para tumahan sa pag-iyak si Baby(0-1 year old) :Paano patigilin umiyak

Paano patulugin ng matagal at mahimbing si Baby: 8 Tips para sa nagpapatulog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *