October 30, 2024

Paano patulugin ng matagal at mahimbing si Baby: 8 Tips para sa nagpapatulog

Ang article na ito ay ginawa natin para sa mga mommy na nahihirapan patulugin si baby. Lalo pag first time palang gawin ito, mahalaga na ma-try ang mga proven na tips para maging mahimbing ang kanilang pagtulog. Makakatulong ito sa baby dahil ang mga benefits ay hindi matatawaran.

In summary ito ang mga benefits ng mahabang pagtulog ng baby:

-Makakapahinga ang baby

-Pagdevelop ng organs, physical at utak

-Paglakas ng mga buto para sa mga pisikal na gawain

-Pag-develop ng kaniyang immune system

Ayon sa Gamotpedia.com, ang maayos na pagtulog ng baby ay napakahalaga sa kanilang paglaki. Hindi lamang nakakapahinga ang baby para maging masigla ito paggising niya pati narin ang development ng kanyang mga physical na kakayahan, organs at pag-iisip. Habang natutulog si baby ang kanyang utak ay patuloy na nagpa-process ng kaniyang mga nakita at naranasan tuwing siya ay gising kaya nakakatulong sa kanyang utak ito. Ang kanyang buto naman ay nakakapahinga at nagdedevelop habang tulog din para lumaki at tumigas pa ito. Ang kanyang immune system ay lumalakas din sa panahon na ito kaya may mas malaking tiyansa siyang malabanan ang mga bacteria at viruses na ma-encounter niya.

Kapag si baby ay nakatulog ng mahimbing ang mga parents ay makakatulog din ng maayos kaya win-win ito sa mga magulang.

8Tips na pwede Gawin ng mga Mommy natin para makatulog ng mahaba at mahimbing si Baby.

Ayo kay Dr Pedia Mom ang mga bagay na ito ay makakatulong para sa matagal at mahimbing na pagtulog ng baby lalo na sa gabi

1. Paliguan si Baby bago matulog

-Kahit si baby ay nakaligo na sa umaga, pwede pading paliguan siya sa gabi. Mga around 5-7pm ito ginagawa. Ang pagpapaligo sa kanya ay mula sa ulo hanggang sa paa. Magiging presko ang pakiramdam ng baby at mahihimbing ang kaniyang pagtulog

2. Kapag natulog si Baby dapat patay ang ilaw niya

-Kapag pinatay ang ilaw bago matulog si baby, nakakatulong ito na maiwasang masilaw ang kanyang mga mata. Minsan kasi kapag tutok ang liwanag sa kanyang mata ay aakalin padin niyang playtime padin o baka pakainin pa siya. Ang pagtulog din na patay ang ilaw ay malaking tulong para ma-introduce ang baby sa konsepto ng gabi at araw para ma-develop ang habit ng pagtulog sa gabi o kapag patay ang ilaw.

3. Balutin ng maigi si Baby (Swaddle)

-Kapag binalot si baby bago matulog makakatulong ito sa kanyang mahimbing na pagtulog. Ginagaya kasi ng swaddle ang posisyon ni baby nung nasa sinapupunan palang siya o nung nasa uterus palang ni mommy.

4. Dapat kumain na o kaya busog na si Baby

-Mas mainam na nakapag dede na si baby bago matulog. Kapag busog siya kasi pwedeng umabot ng 4 na oras ang himbing ng pagtulog niya. Matatandaan na kapag gutom si baby ay iyakin talaga ito.

5. Sanayin si Baby na matulog mag-isa

-Sa mga pilipino, sanay tayo na pinapatulog si baby habang kalong natin siya. Naamoy kasi ng baby ang presensya ng parents sa ganitong paraan kaya nakakatulog agad. Pero once na binitawan mo na siya ay bigla itong magigising nalang. Huwap sanayin na buhat-buhat siya bagkus pwede natin siyang kantahan para alam niya na nandiyan kalang sa tabi niya

6. Sanayin sa routine ng pagtulog si baby

-Ulitin lamang ang mga ginawa ng steps from 1-5 araw araw na patulugin siya para matandaan niya ang routing ng kaniyang mga activities.

7. Paglaruin ng lubusan si baby kapag gising pa

-Kapag maraming aktibidad si baby habang gising ay pwedeng maubos niya ang enerhiya na naipon nya pagkatapos ng kaniyang pahinga. Mas madali din siyang makatulog na kasi kailangan ng katawan niya na palitan ito.

8. Kaunting paghile sa baby

-Gaya ng nabanggit kanina pwede mo ding i-hile o iduyan muna si baby para makuha niya ang tamang kondisyon bago matulog.

Conclusion

Dahil mahimbing ang pagkakatulog ng baby ay magiging masaya ang interaction niya kay mommy. Maiiwasan din ang kaniyang pagiging iyakin dahil nakapahinga na siya ng nakatulog siya ng matagal.

Kapag ginawa mo na ang mga steps na ito at hindi padin makatulog si baby ng mahimbing at matagal, baka merong ibang underlying conditions. Maiigi na i-patsek up agad siya sa isang doktor o pediatrician.

Iba pang mga Babasahin

Gamot sa ubo ng 0-6 months old baby

Bakit nagkakaroon ng Plema ang Baby: Palatandaan, Gamot at Sanhi

Gamot sa Plema ng Baby 0-6 months old

One thought on “Paano patulugin ng matagal at mahimbing si Baby: 8 Tips para sa nagpapatulog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *