Stress ka ba sa pabalik balik na ubo ng bata?
Minsan napa-check up na natin ang mga bata pero hindi padin talaga matanggal ang ubo ng bata. Kapag umabot na ng ilang linggo ang ubo baka ito na ang tinatawag na chronic cough sa mga bata.
Ang article na ito ay para sa mga nag wo-worry na mga parents sa ubo ng kanilang anak.
Ang chronic cough ng bata ay pwedeng umabot ng up to 4 weeks o mahigit pa. Alamin natin sa article na ito kung ano ang mga posibleng rason ng ganitong sakit sa mga bata.
Mga Posible na dahilan at solusyon ng Pabalik balik na Ubo sa Bata
May mga ilang halimbawa ng posible na pinanggagalingan ng chronic cough sa mga bata.
1. Post infectious Cough
– Ito ang ubo ng bata na galing sa upper respiratory tract infection na posibleng galing sa mga sakit gaya ng bronchitis o pneumonia, magaling na pero nagkakaroon padin ng ubo ang bata. Ito ang pa-isa isa na pagubo ng baby o ng bata dahil sa mga natira pading mucos at tumutulo sa lalamunan ng bata kaya napapaubo siya especially pag gabi. Pagtulog niya natulo ang sipon sa may lalamunan. Iretable padin kasi ang lalamunan niya kaya pag may lamig na na experience sa gabi, pagising ng bata ay palagian na itong nauubo pa at nagkakaroon ng dry cough.
Ano ang pwedeng gawin sa post infectious cough?
-Para hindi na lumala pa ang pag ubo ng bata kasi pagaling naman na siya, iwasan ang sobrang lamig na aircon sa kanilang pagtulog. Kahit na anong extreme temperature (malamig o mainit) ay pwede kasing mag triger ng paglabas ng mucos papunta sa lalamunan ng bata
-Para sa mas may edad ng bata, pwedeng pakainin ng menthol para maging smooth ang pakiramdam sa lalamunan
-Sa mga toddler pwede ang honey mix juice
2. Psychogenic cough
-Minsan kapag kakagaling lamang ng bata sa matagal na panahon ng ubo nagiging manerism ng bata ang pag-ubo. Pwedeng maging involuntary na pag ubo ito ng bata dahil laging naiisip ito ng bata
-Kapag tulog si baby ay wala ng ubo pero pag gising ay wala naman na, ganun din ang results ng mga physical exam or x-ray ay clear naman naman siya, pwede ito i-ignore nalang muna ng parents dahil mawawala din naman
– Kapag able to speak during Cough pwedeng kaugnay din ito ng habitual coughing ng bata. Same din ang procedure ng pag treat sa pag ubo nito
Ano ang dapat gawin sa psychogenic o habit cough?
-I-confirm sa doctor kung psychogenic cough ngalang ba ito, dahil kung ma prove naman ng mga test ay wala dapat ipangamba ang parents
-Behavioral therapy ng bata. Pwedeng ipaliwanag sa bata na nagiging habit lang nya ang pag ubo at pwede naman ito i-control nalang niya. Kailangan ng maayos na pakikipagusap at communicate sa bata.
3. Kung may Asthma ang Bata
-Kapag asthmatic ang bata at kahit gumagamit na siya ng inhaler ay naubo padin siya, kailangan na talagang dalhin siya sa pulmonulogist o especialist sa baga.
-Kailangan tanggalin ang mga allergens gaya ng dust, dust mites at mga balahibo ng alagang hayop.
4. Primary Tubercolusis (TB)
-Kapag may history sa family ng mayroong sakit na TB at na-expose ang bata, baka ang chronic cough niya ay dahil din sa bacteria ng TB. Ang karaninwang sintomas bukod sa ubo ay pangangayayat, pagkabalisa at masakit ang kanyang baga at madami siyang plema
-Nagagamot ang TB kaya hindi dapat mag worry ng sobra ang parents. Kailangan lang ng matagal na gamutan, mga at least 6 months at pag take ng gamot 1x or 3x a day depende sa reseta ng doktor.
5. Post nasal drip
-Ang sintomas nito ay ang over secretion ng mucos sa gland ng bata lalo na ang mga may allergy. Kapag nagkaroon ng allergy lalabas ang sipon at kapag napunta lagi sa lalamunan ay mapapaubo lagi ang bata. Dry cough ang karaniwang klase ng pag ubo ng bata sa post nasal drip
-Pwede siyang bigyan ng anti-histamine para hindi matrigger ang kanyang allergy
6. Gastroesopageal Reflux Disease
-Ang pag ubo ng bata dahil ang labis na acid na napo-produce ng baby sa tiyan ay bumabalik sa esophagus at tuluyang napupunta sa lalamunan. Na-irritate ang lalamunan sa ganitong pagkakataon
-Kapag baby ang may acid reflux pwedeng i-try palitan ang formula milk niya. Ang pediatrician ang makakapagsabi kung ano ang pwedeng gamiting alternative na gatas ng bata dahil pwedeng baguhin ang timpla ng formula milk.
-Ilagay ang baby sa upright postion after ng heavy eating niya para lumabas ang kabag sa kaniyang tiyan
-Para sa mga toddlers na ay pwedeng bigyan sila ng mga antacids
7. Walking Pneumonia
-Ito ay tinatawag ding “atypical pneumonia” dahil sa hindi pangkaraniwang mga sintomas at dahil sa karaniwang kaugalian ng mga mayroon nito na makakalakad pa rin at gumawa ng iba’t ibang aktibidad.
-Karaniwang ginagamit ang mga antibiotic na tinatawag na macrolides, tulad ng azithromycin o clarithromycin. Ipinapayo ng doktor na magpatingin agad kung mayroong mga sintomas ng pneumonia, kahit na mild lamang ito, upang mabigyan ng naaangkop na gamot at upang maiwasan ang mga komplikasyon.
Conclusion
Ang pag-ubo ay isang mahalagang palatandaan ng maraming mga kondisyon tulad ng respiratory infections, allergies, asthma, acid reflux, o kahit na mga sintomas ng mas malalang karamdaman tulad ng tuberculosis. Ang pagtukoy sa sanhi ng pag-ubo at ang tamang paggamot nito ay mahalaga upang mabigyan ng ginhawa ang bata at maiwasan ang mga komplikasyon. Ang hindi paggamot sa chronic cough ay maaaring magdulot ng pag-aalala sa kalusugan ng bata at maaaring magresulta sa mas malalang mga kondisyon sa respiratory system kung hindi ito maiintervene agad
Iba pang mga babasahin
7 Tips para tumahan sa pag-iyak si Baby(0-1 year old) :Paano patigilin umiyak
Paano patulugin ng matagal at mahimbing si Baby: 8 Tips para sa nagpapatulog
Paano malaman kung may Sipon ang Newborn Baby : Sintomas sa Sanggol
One thought on “Pabalik balik na Ubo ng Bata : Chronic Cough on kids, Ano ang mga Dahilan”