January 14, 2025

7 Tips para tumahan sa pag-iyak si Baby(0-1 year old) :Paano patigilin umiyak

Maliban sa karaniwang sanhi ng pag-iyak ng baby gaya ng kabag, gutom o may sakit, ang pina common na dahilan ng pag-iyak ng isang saggol ay baka naman ina-antok lang ito. Ang antok ang pinakadahilan kaya naman mapapansin mo after 4 hours na gising siya ay biglang nagiging iyakin na lamang ito at hindi mapatahan.

Table of Contents

Mga Tips para hindi iyakin si Baby na 0 – 1 year old

Galing sa pediamomph ang mga payo na ito na proven na sa kaniya ang mga activity para mapatahan ang baby.

1. Pag gamit ng stroller

-Minsan ay may tantrums at hindi naman talaga ito maiiwasan, kaya ang ginagawa ng ibang parents ay inaabala sila o pinuputol ang kanilang atensyon sa pag-iyak. Normally kapag si mommy ang kasama ng baby ay madali lang siyang mapatahan pero kung wala siya para sa mga nag-aalaga pwede siyang i-ikot sa bahay o sa labas muna gamit ang stroller niya. Equivalent din nito ang paghile muna sa ibang sanggol.

2 Ways Foldable Stroller For Baby Can Sit And Lie With Seat Belt 0-5 Years

2. Ilagay sa malambot at maaliwalas na higaan

-Para naman sa mga baby na 0-6 months old. Kapag antok na siya pero umiiyak padin kahit na-ihele o naiduyan, nailagay na sa crib at napadede mo na siya, i-try na pahigain muna siya kasama ni mommy. Kapag biglang tumahan si baby ay most likely ito na ang kaniyang comfort area. Try na wag buhatin na si baby kapag nakuha na niya ang tamang pwesto niya.

3. Kalikutin ng malambing ang tenga

-Kapag na try mo na ang steps 1 at 2 na nabanggit sa taas at ayaw padin matulog ng baby, -itry molang hanapin ang magpapawala sa iyakin ng baby. Pwedeng lambingin sa ulo (paghaplos) o sa iba naman ay ginagalaw ang tenga ng baby. Siguraduhin lang na malinis ang kamay bago hawakan ang tenga o anomang sensitibo na bahagi ng katawan ng baby

4. Idapa si Baby sa inyong dibdib

-Minsan ang pwesto na hinahanap ni baby ay sa tabi ng mommy o ng nag-aalaga sa kaniya. Kapag na-ihile o duyan mo na siya at nakakatulog naman pero kapag umalis kana ay bigla na namang iiyak, i-try patulugin sa inyong dibdib o chest muna habang tina-tap ang kaniyang likuran sa bandang baba. Ang amoy at sound ng mommy o ibang indibidwal ay nakakapagbigay assurance sa baby na nandyan kalang. Pwede kasing may kinakatakutan siya sa mga panahon din na ganito. Pwede din na meron siyang kabag at lalabas lang ito kapag nakadapa siya

5. Distract the baby

-Kapag mga 5 minutes padin sya umiiyak, baka naman hindi pa oras ng pagtulog niya. Hinahanap din ng baby ang tamang oras ng pagtulog. Kahit na try mo na ang steps 1-4 at ganon padin, makipaglaro muna sa kaniya ng kunti hanggang sa mapagod na nga siya at antukin na. Ang ibang mommy ay papanoorin muna si baby sa tablet o tv. Wag lang yung mga maingay na palabas kundi yung mga nakaka-antok na palabas para makuha na niya ang timing ng sleeping nya.

6. Kausapin si Baby (Baby talk)

-Pwede mo syang kwentuhan muna para antukin muna. Gustong gusto ng baby na kausapin sila lagi dahil sa kanilang natural na curiousity pero kapag tumagal ng kunti ay nababagot nadin ito lalo na kung hindi naman niya maintindihan ang pinag-uusapan at gabi na, madali nalang siyang maidlip

7. Gawing malinis at mabango ang kaniyang higaan.

-Gaya din natin na matatanda na, gusto ng baby na matulog sa mga komportable na lugar at malinis sa pakiramdam. Kapag halimbawa pinapawisan sya sa kanyang pwesto, hindi talaga siya makakatulog ng maigi

Conclusion

Ang sapat at tamang tulog ay napakahalaga para sa kalusugan at pag-unlad ng isang sanggol. Sa kanilang unang taon ng buhay, ang tulog ay naglalaro ng mahalagang papel sa pagpapaunlad ng kanilang pisikal, emosyonal, at kognitibong kakayahan. Habang natutulog ang sanggol, ang kanilang katawan ay nagrerehistro ng mga mahahalagang proseso tulad ng paglaki at pagtanggap ng nutrients, pagsasaayos ng kanilang immune system, at pag-unlad ng kanilang utak at nervous system nila.

Tandaan natin na kapag nagawa na ang mga steps na ito at patuloy padin ang pag-iyak niya, meron talagang ibang dahilan at kailangan ipa-tsek up sya sa doktor.

Iba pang mga babasahin

Mabisang Gamot sa Bulutong Tubig

Sintomas ng Bulutong tubig (chickenpox) sa bata

Paano malaman kung may Sipon ang Newborn Baby : Sintomas sa Sanggol

One thought on “7 Tips para tumahan sa pag-iyak si Baby(0-1 year old) :Paano patigilin umiyak

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *