May mga bawal bang gawin ang mga bata pagkatapos na pagkatapos magpabakuna? Pag-aralan natin iyan dito sa article na ito.
Pagkatapos bakunahan ang bata, napaka importante na mapalakas natin ang kanilang mga immune system. Hindi lamang ang epekto ng bakuna sa bata ang mahalaga kundi pati narin ang response ng katawan o immune system ng bata sa bakuna. Ito ay upang makasigurado ang parents na magampanan ng bakuna ang layunin nito kung para sa virus magkaroon ng viral protection o kapag para sa bacteria para masugpo ang bacterial infection ng bata.
Mga Bawal na gawin pagkatapos magpabakuna ng bata
-Negative reaction ng bata sa bakuna
-Bawal magpuyat
-Bawal ang stress
-Pagpunta sa maduduming lugar
-Labis na pagkapagod ng bata
-Mabibigat na gawain
Ang mga bawal na gawain na ito ay ipinapaalala dahil medyo mahina nga ang immune system ng bata sa kapanahunan na ito. Pagkatapos ng ilang araw at wala naman ng side effects ang bakuna pwede ng bumalik sa normal na aktibidad ang mga bata.
Lahat ba ay nakakaranas ng Side effects ng bakuna?
Hindi lahat ng tinuturokan ng vaccine ay mayroong sideeffects.
Ayon kay Dr. Junjie Arapan ” Hindi lahat ng nabakunahan ay dapat na mag expect ng side effects. Malaki ang chance na madaming bata ang hindi makaranas ng anumang epekto ng bakuna. Pero hindi nangagahulugan na walang bisa ang bakuna or expired na ang bakuna o baka tubig ang binakuna. Kaya nga tinawag na side effects kasi pwedeng meron pwedeng wala nga siya”
Ano ang mga hindi natural na Epekto ng Bakuna sa Bata?
Ang mga epekto ng bakuna sa bata ay natural lamang dahil gumagawa ng antibodies ang katawan natin pagkatapos ng bakuna. Pwedeng makaramdam ang bata ng chills, sakit ng katawan, pagod, lagnat at minsan pakiramdam ng nasusuka.
Ang mga side effects na ito ng bakuna ay pwedeng umabot ng 24 – 48 hours
1. Labis na pamamaga ng lugar na na-injection
-Normal na magkaroon ng pamamaga sa lugar kung saan nabakunahan ang bata. Ang hindi normal ay ang ilang araw o umaabot sa isang linggo na pamamaga nito at pananakit
2. Pagkakaroon ng matagal na lagnat
-Natural na reaksyon ng katawan ng bata ang lagnat dahil nilalabanan nito ang epekto ng bakuna sa katawan. Ito ay posibleng tumagal ng ilang araw. Hindi kailangan ng anumang gamot dito. Pero kapag ang lagnat ay tumagal at may mga epekto kagaya ng pagsusuka ng bata at labis na pagkahilo, makakabuting ikonsulta na agad ito sa doktor.
-Gaya ng sabi kanina kapag umabot ang lagnat ng more than 72 hours baka iba na ang dahilan nito.
3. Allergic reaction
-May mga pagkakataon na magkakaroon ng allergic reaction ang isang bata sa bakuna. Ang mga sintomas ng allergic reaction ay maaaring magkakaiba, mula sa mild na pamamaga ng mga labi o mata hanggang sa malubhang reaksyon tulad ng anaphylaxis.
-Kapag ang allergic reaction ng bata ay may matagalang epekto, magsangguni agad sa doktor.
4. Pagkahawa sa virus
-May mga vaccination sa bata kagaya ng polio vaccine ang maaring magdulot ng viral symptoms sa bata. Maliit lamang ang tsansa ng panganib dito pero kapag ang sintomas ay hindi normal gaya ng labis na lagnat, pananakit ng katawan isangguni nadin kaagad sa doktor.
5. Neorological symptoms
-Sa napakababa at bihirang kaso, ang ilang mga bakuna ay maaaring magdulot ng mga neurological complications tulad ng Guillain-Barré syndrome (GBS) o pananakit ng ulo.
Iba pang mga Babasahin
Impeksyon sa Dugo at Ihi ng Bata
One thought on “Mga Bawal gawin pagkatapos Magpabakuna ng Bata”